MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. sa kanilang “Boses ng Bayan” nationwide survey ang “Top Performing City Mayors and District Representatives”.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, executive director ng RPMD, ang survey paramaters upang masuri ang kahusayan ng mga city mayors ay ibinase sa kanilang service delivery, financial acumen, economic progress, leadership governance, environmental conservation, social initiatives, at community engagement habang sa mga kongreista ay sa kanilang district representation, legislative performance, at constituent service.
Lumitaw sa independent and non-commissioned survey na sina Mayor Joy Belmonte (95.73%) ng Quezon City at Eric Singson (94.86%) ng Candon City ang nanguna sa listahan ng “Top Performing City Mayors” sa buong bansa at sumunod sina Art Robes (91.67%) ng San Jose del Monte, Benjamin Magalong (90.91%) ng Baguio at Nikko Mercado (90.88%) ng Maasin.
Second place naman sina City Mayors Eric Africa ng Lipa (89.72%), Jonas Cortes ng Mandaue (89.71%), Indy Oaminal ng Ozamis (89.32%), Ipe Remollo ng Dumaguete (88.94%), Samsam Gullas ng Talisay (88.93%), Bambol Tolentino (88.85%) ng Tagaytay, at Ahong Chan ng Lapu-Lapu (88.78%).
Samantala, ang pang-apat na puwesto ay hawak nina Jerry Treñas ng Iloilo (86.79%), Ma. Ester Hamor ng Sorsogon (86.63%), Vilma Caluag ng San Fernando (86.55%), at Baste Duterte ng Davao (86.51%).
Sa House of Representatives, pinuri si House Speaker Martin Romualdez sa kahanga-hangang 95.32% performance score mula sa mga residente ng kanyang nasasakupan sa Leyte habang sina Reps. Sandro Marcos ng Ilocos Norte (94.81%), Kristine Singson ng Ilocos Sur (94.57%), at Duke Frasco ng Cebu (94.55%) ay istatistikal na nagtabla para sa pinakamataas na ranggo kasama si Speaker Romualdez.
Pumangalawa sa survey sina Reps. Toby Tiangco ng Navotas (93.83%), PJ Garcia ng Cebu (93.75%), Camille Villar ng Las Piñas (93.64%), Chiquiting Sagarbarria ng Negros Oriental (93.59%), Stella Quimbo ng Marikina (93.56%), Marivic Co-Pilar ng Quezon City (93.22%), Oca Malapitan ng Caloocan (93.14%), at Jolo Revilla ng Cavite, na nakakuha ng rating na 92.75%.
Nasa ikatlong rank sina Jay-jay Suarez ng Quezon (92.16%), Ralph Recto ng Batangas (91.83%), Joey Salceda ng Albay (91.69%), Mannix Dalipe ng Zamboanga City (91.34%), at Gloria Arroyo ng Pampanga na may markang 91.32%.
Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2023/09/17/2296815/top-performing-mayors-congressmen-naitala