BUNSOD ng iniindang kahirapan sa bansa. Namahagi ng “education assistance” si House Deputy Speaker at Las Pinas City Lone Dist. Cong. Camille A. Villar katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tinatayang 2,000 college students na kabilang sa mahihirap na pamilya o indigent families na naninirahan sa Las Pinas City.
Ayon kay Villar, ang naging hakbang nila ay isa sa kaniyang mga “public assistance programs” na ang pangunahing layunin ay matulungan ang libo-libong mahihirap at nagdarahop na pamilya sa Las Pinas City.
Sinabi ni Villar na ang pamamahagi nila ng “educational assistance” ay alinsunod din sa isinusulong nitong “learning advocacy” para hikayatin ang iba pang mag-aaral na magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kabila ng matinding kahirapan sa bansa habang ang iba naman ay nalululong sa masamang bisyo.
“Education is the great equalizer. Mahalagang makatapos sa pag-aaral ang ating mga kabataan nang makatulong sila sa pag-ahon sa kanilang pamilya mula sa kahirapan. Kaya sinisikap natin na maisulong ang ating advocacy para matulungan ang napakaraming estudyante,” wika ni Villar.
Binigyang diin pa ng Las Pinas City Lady solon na sa pamamagitan ng edukasyon. Malaki ang pagkakataon o oportunidad ng isang mahirap na pamilya na makaahon mula sa matinding hagupit ng kahirapan at magkaroon ng mahinhawang buhay hanggang sa susunod na henerasyon.
Ipinaliwanag pa ni Villar na sa pamamagitan ng ipinamahagi nitong tulong para sa mga Kabataan. Nais din niyang ipakita sa kanila na nakahanda aniya ang pamahalaan na magkaloob ng tulong para sa mga mahihirap na estudyante.
“Sa pamamagitan ng ating munting tulong. Nais nating ipakita sa ating mga Kabataan na laging handa ang pamahalaan para tulungan sila sap ag-abot ng kanilang mga pangarap,” sabi pa ni Villar.
Source: https://peoplestaliba.com/rep-villar-namahagi-ng-educational-assistance/