Dumalaw sina Las Piñas Congw. Camille Villar at Public Works and Highways Sec. Mark Villar sa The Tent sa Global South, isa sa pinakamalaking COVID-19 vaccination site sa Metro Manila.
Kayang tumanggap ng mahigit 2,000 magpapabakuna kada araw ang nasabing vaccination site.
Patuloy naman ang paghimok ng magkapatid na Villar sa mga residente ng Las Piñas na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 at mga variant nito.
Kamakailan naglunsad sila ng programang “May Bahay sa Bakuna”, kung saan may tsansang manalo ng house and lot ang mga bakunadong residente sa grand draw sa Disyembre.
By IS