Ang pagtatalaga umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Deputy Speaker Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF) ay patunay na determinado ito na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Ito ang sinabi ni Nacionalista Party spokesperson at Las Piñas City Rep. Camille Villar kasabay ng panunumpa ni Recto sa tungkulin nitong Biyernes.
“His appointment is a testament to the administration’s determination to strongly push the country’s economic recovery and success,” sabi ni Villar sa isang pahayag.
“He is a genius in numbers and arithmetic and has wide expertise in turning mathematics to concrete realities,” dagdag pa ng lady solon.
Si Recto ay miyembro ng Nacionalista Party.
“We at the Nacionalista Party are truly proud of you, Cong. Ralph. We have no doubt that you could steer the country towards fiscal prosperity,” sabi pa ni Villar. “Again, congratulations and the best of luck to Finance Secretary Recto.”